ni Goody Cadaos*
dibuho ni Kendrick Bautista
Ikay nga ba’y
Proteksiyon sa amin
O isang kamay na bakal
Na kikitil sa’ming buhay.
Sa aming mga maralita
Ay isa kang ilusyon lamang
Maskara ng kabutihan
Ngunit salot sa katotohanan.
Ayaw namin sa’yo,
Isa kang balat-kayo
Na sa katotohana’y
Isang berdugo.
Pinapatay mo
Aming kalayaan
Pinapatay mo
Diwa ng demokrasya.
Masama bang ilahad
Hinaing naming mga mahirap?
Masama bang ilahad
Mga tiwali sa gobyernong hamak?
Kaming mga mahirap
Mga manggagawa’t magsasaka,
Masama bang humiling ng para sa amin?
Huwag kang mangubli
Sa maskara mong itim
Masang Pilipino ay payapang lahi
Hindi terorista;
Ngunit lumalaban
Sa mga kagipitan.
Kailangan mong mawalan ng bisa
Maibasura, maitsapuwera
Dahil ikaw’y banta
Sa buhay naming payapa.
*Goody Cadaos worked as domestic helper in Hong Kong for years. She is now a volunteer for Migrante International.
Human Security Act
Posted by Pinoy International Thursday, November 8, 2007 at 8:30 AM
Labels: Issue 1 articles, Kultura, Tula
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment